Ika-27 hanggang 28 ng Pebrero,
2005
Sa bahay, pinalayas ang mga anak
sa computer
Mga katoto,
Bagamat ngarag pa ako sa alcohol
at puyat, minarapat ko nang isalaysay ang mga alalala bago mawalan pa ng
ulirat… simple lang ang lahat nang pangyayari… simpleng HAYOP! ang may
mga pakana ng 2005 homecoming! =))
CHAPTER I
ANG BISPERAS
Simulan natin nang biyernes, ang
araw bago ang lahat…
Alas nueve ng umaga may mga
nalanse.. ehek! Nakumbinse pala na sumama sa “recording” ng batch 80
theme song na inakda ni margie agapinan-alfonso ang mga titik at
nilapatan ng isang kaibigan nyang doctor ng musika. Ang siste, wala pang
ay alam ng kanta maliban kay nargie! Hala! Sige bahala na si batman!
Sige nakinig, nakinig, nakinig… nakuha na din! sige na recording na!
‘nga pala sa haybols noong gumawa ng musica ginawa ito… ayaw talaga
paawat ang mga katropa…. May bumitaw ng “… hhmmmm, magandang mayroon ng
ganito… ayon! May magpapagawa yata sa darating na mga panahon… tama ba
teng? happy?
Una si gina at si nina… mahuhusay!
May napansin lang na medyo nahuhuli g “split second” sa simula ng tugtog…ulit…
may roon pari.. ulit… hep may nalunod na boses…ulit!… hay nakaraos din…
natapos!
Sunod si noel at si gigi… kanta
rin… o, ulit… relax, kantang parang nagkukwento ka lang… ulit… o, yung
words”…we once cared…” ang tunog parang we one SCARED… ulit… okay na..
pero mahina nalulunod ng music.. ulit../ ulit pa uli… ulit pa uli… mkha
ni noel nawawalan na ng pananampalataya… ulit….. AYON! Nadali din
O, teng at happy. Ayan ang mga
nauna nagmanman din… ayan! Di namna daw sa gumaganti… pero …”kami ha,
split second lang… eh, ikaw di nakapasok! =D naku ayan na po!… ulit…
teka teng nagdududa ka ba sa pagkanta?…ako naman ang may banat… maayos
pero may alinlangan ang atake… asus! Feeling pro comment… ulit… nadali
din
… heto ngayon, pasok ang
nagbibidabidahan (ako ‘yon!) =))… nabuo ko… tama tono, tiempo… pero ang
mga tao sa labas walang umaaepla pero ang mga mukha sumisigaw ng … O, EH
ANO “YON?! Tumayo ang kumpositora… dapat may build up na dyan sundot pa
ni teng, “ nahdududa ka?… ayan na… binalikan na ako… ulit. Ninerbyos?!?!
Nawala sa tono!!!… ULIT! Ako na ang sumigaw… ayon na nga NAULIT mawala
sa tono!…ulit…uit at umulit parin… nakalusot na…
AT, ngayon, sina vida at Margie na…
at hetong si vita, pinalakas ang loob ko na bago ako pumasok…”naku
madali lang yan sa ‘yo… APEKTADO noong nagpaulit-ulit na ako… ninerbyos
ang ninang ko! Pasok at magrekording na… may sabit… ulit… may kulang
ulit… ayos na!…. nakaraos na sila…
Ngayon ‘yong chorus na na dapat
‘sang libo’t isang laksang manganganta ang gagawa… eh, syempre alam nyo
na…mga nagtabaan sila at di kami kasya sa booth, at naiipit ako, eh
humabol din c romuald at ang pagkalaki-laking si grace pangandian… sus!
Kailanang na nya ang matinding serbisyo ni Vicky Belo ( kapal ko!)
minarapat na dala-dalawa nalang kami uli. Tapos pinagpatong patong ang
mga boses… SALAMAT sa teknolohiya! TAPOS na! Hep hep hep… pinakinggan
namin at may napansin pa ang pamunuan… noel, balik. Paki ulit ‘yong…
tapos na! TEKA! Si josefita, nasa booth uli, may uulitin sa linya nya…
asus! Ang isa ko pang ninang di paaawat!
Ang the final result, pinatugtog,
tahimik kaming nakinig… at… AYOS NAAAAAH!!!
Alas dose kinse na ng tanghali…
mga hilo na din sa gutom kaya siguro nagawatan na din… the tech guy will
just refine the sound combinations and babalikan nalang ang final copy…
Tapos na ang umaga…PALANG!
Deretso naman sa office building
ni tato ang convoy… aba 5 sasakyan din kani… sabi ko kay happy o kaliwa…
o, kanan… o kanan… o ayan na ang gate… sabi n’ya sa guard “happy dos
santos. HAPPY masaya”… nakatingin sa amin ang guardia… tulala. “ Happy
dos santos. Lisensya ko … ay teka, tama ba itong gate eh hindi kami
ditto dumaan… sagot ko” eh, ako ditto dumaan!” saan pa ba ang isang
gate? “boss (guardia) saan ‘yong isang gate… blah blah blah…ah iuturn
kami tapos kaliwa… salamat! He he he si nina nakasunod sa amin tumawag
sa phone at sinabing nawawala kami….hellllooooo… kami rin!… o, eh di
ikot din sya… natunton din ang gate… at nakalabas kami papunta sa
practice…
Nakarating kami ng buo naman at
maraming kwento in the process. Tato ang wife ann were there to meet
us. Doon na din ang masarap na ninang (kasi konsintidora) na si fides,
ina, … sino pa nga ba? Mga 2 pa… May amplifier at speaker na doon. Baba
namin ni happy ang boom box tv at microphones. Si gina?… si teng… bakit
wala pa? Saan na… oh, bumibili ng lunch para sa barangay! Sige din ang
dating nina merceded, lyn, grace, Anthony… may chips at dip at beer dala
ng konsitidorang ninang! Spaghetti ni lyn na di daw kakanta sa palabas
pag walang kumain ng dala nya… o eh, de kainin…. Ayan na si kabise, si
ibe dala ang mga t-shirt ng batch (o, for sale ha! In 4 versions, 2 long
sleeved at 2 short sleeved. For the association… order na ang mga taga-abroad)
At dumating na ang mga santa claus gina at teng, daming food… and chow
king this time, YUM! Nguya…nguya…nguya… nguya uli… nguya parin… ngyuya…
sige pa! Ops, nahihirinan ako… wala pang sopdringks… takbo ako sa
canteen sa baba… nagpadeliver ng inumin… aaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!
Swebe ang pasok malamig-lamig… kilig!
O practice na… sumayaw ang
dancers… ay! May naglolokalokahan pa…. Baliktad! Tawa nalang maganda
parin kayo! Wisik-wisik!… Robocop!… pagpag langaw!… oishi… ishi …
swimming… takbo!… hanap-hanap!… taxi…taxi!… may lamok!… ano ba ang mga
‘yon ‘ika ninyo? Mga code ng steps nila! Natapos
Singers naman. Nandyan na ang
singing coach. Summer nights! Si Anthony inspirado! Performance level na…
vita… galaw pa….” Met a boy cute as can be…” turo ka tapos hagod sa
mukha… NEXT!
Nonoy and chie…oops wala si nonoy
at may inaasikaso pa sa committee… o rene, under cover ka muna
(understudy dapat!). uuuuuy! Nadali din… paki alalayan lang si chie sa
pag akyat sa stage at baka sumabit ang takong sa gown bukas… Rene and
Ibe. All I ask of you… hetong si ibe, may nakasabit pang lapis sa tenga!
Mano Po 4 ang dating mo ining… si amon ang gawin mong consultant sa
script para authentic ang Chinese dialogues nyo. Tawagan mo na din ang
pareng jack uy to produce the venture… heto na! Ang pang miss Saigon, si
pakim-KIM (alias happy) at si palin-LYN (alias lyn) nagbabangayan sa
alaala ni chris… mind you gusto in costume pa… teka, di ba sa eksenang
‘yon ang suot ng asawa eh, nightee at si kim ay t-shirt at p- - -y lang….
Hhmmmm summer na nga! Mainit!…. Mga duwag, di itinuloy! Corny! Harang!
Ang ninang lyn, nagse-senior moments… nalilimutan ang isang linya…
O boys! Corner of the sky…
chuwariwaps! Standby for pipin… amante: rwiber…. molano: eagles belong….fla-ha-hay…
mayuga: (eh, wala) si molano uli…I’ve got to be…. Fri-hi-hi… taba: GONna
pined….. of the skaaaaaaaaaaaaaaaaaay…ganda! …. Sa last note….skaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!
AY! Nag away ang mga tono… ‘di nagkasundo!@#$%^$#@@*#@
Tuloy as pippin… amante: tingk
abawt the san…… ayos!…. second stanza ganda ng boses, di naman bumubuka
bibig ni amante… hahahahaha…”kita tare! boko! boko! di natanggal ang
vocals! Tuloy parin…. Pasok na kaming chuwariwaps… sige banat! Di naman
tayo kilala ng mga nanonood!…. tingk about yor laaaaaaaaaaaaayp!
Yooohoooo! Tapos naaaaa! ANG
PRACTICE!
Dumating si boyet (alias leo) may
dalang pang-videoke… may mga nagpaalam na… pero ang mga walang tinag…
humataw pa! Halaaaa! kanta, ayan…. Ang nauna-una… hehehe nadale ng 66!
Nagalit sa player ni boyet at pirated daw yata… mababa mag score!
…pabulong lang….O,
happy, di ko binanggit sa kwentong ikaw ‘yon ha?!
Heto na ang iba pang mga reyna, prisesa, dama, dukesa, diwata, diosa ng
videoke ala-diva lahat OO MGA DIVA! DIVA naman maawat talaga… umakyat na
nga ang isang tauhan sa building at sumilip bka kung ano na ang
nangyayaring sigalot! =))
At nagkalasan na rin ng medyo
bitin kasi nagaalisan ng may sumisilip pang araw sa kalangtan… haaaay,
may mga dugong aswang. Takot masinagan nga araw sa galaan…
AT ‘YAN ANG kaganapan ng BIYERNES…
CHAPTER II
ANG PINAKAHIHINTAY NA
SANDALI
Alas otso ng umaga. Simulang
nagdatingan ang mga pambato (read as pam-baTO, acCENT on THE seCOND
sylLAble) ng mga golden at silver jubillarians. Bitbit ang mga gown,
amerikana, barong, at iba pang mga bag, supot, plastic kahon, dresser,
cabinet at kung ano-ano pa… mga sisidlan ng mga kasuotan at mga arretes
para sa kinagabihan… para ngang vault ang isa eh! Not to mention na may
2 thermos ng salabat si ibe na halos naubos ko ang isa…HETO PA! May
isang bote ng vodka pang alis nerbyos! SERIOUS!
dress rehearsals na… sa ballroom
na… o ang batch 55 dancers on stage, naku! ang isang co-host namin
nadisgrasya the night before, kahit may pasa sa mata dahil tinignan ba
naman ang sahig ng close-up (as in falling flat on her face, literally!)
at nabagas ang suot na salamin, di daw pwedeng di daratin, di na nga
lang makakasama sa hosting… okay lang basta safe naman sya, isa sya sa
love namin… hep-hep-hep, may nagpa-practice ng naka-scarf pa ang ulo!
Iba naman ang fashion statement n’ya! Nye! Akala ko ka-tropa ni medusa
at may mga bilog-bilog sa humuhugis…. Naka-rollers ba o curlers daw ang
isa sa favorite (pagtripan) na lola namin… pero graciosa (parang
pangalan tinapay sa julies) =O din naman ang isang ito… love din s’ya.
Ang ginagawa namin eh, kanya kanyang gaya sa mga drama at mannerisms
nila habang nanonood kami sa baba ng stage.
Ang daming kwento sa tabi… hetong
si condesa zorayda, isat kalahating oras lang ang tulog na may mga
sumusunod na kadahilanan:
1.
dahil may bisitang galling
hongkong the day before at kailangang I-ikot
2.
nag reset ng check up date
kahit hinimatay na sa sakit na naramdaman ilang araw ang lumupas at
HINDI sya pwedeng dindi pupunta sa homecoming
3.
Pero heto ang stinger,
nakasingit pa na bumili ng gown ng araw na iyon! Bakit? Eh, may gown na
s’ya for the affair?… HEH! Masyado kayong matanong! Kami nalang ang may
alam ng tunay na dahilan,,, basta ang alam ko mabigat ang bag at
kailangang pagaanin… binasag kasi ang alkansya nya ang mamiso!
Tuloy ang hataw ng mga lolo at
lola sa stage…
Tuloy din ang dating ng mga
celebrities for the day… “hooooooooooooooy!…” sigaw ng isa… “….ang
gandaaah mo!…” ang narinig ko sa kabila. May tanong lang na nabou sa
isip ko sa bating ‘yon… gandang sabunutan ba o upakan?… =)) Si nonoy (ruda!)
tinapos mag-isa ang mga name tags hanggang 2 in the morning! Talking
about pride and joy in doing work… kasi sya lang ang naatasan na gumawa
noon… may isa pang sumuilip… si maan recinto-mendoza. Ang retired PLDT
diva. Beso-beso sabay abot ng complimentary cards ng fitness-first! Para
akong nadagukan bigla… Makita nyo naman, sabi nga ni gina, kung ganyan
ang mga nagreretire, gusto na din daw nya mag-retire! Eh, lumalabas na
pagsinuot nya ang uniform nya noong high school, eh, parang ini-hanger
lang… sya ang hanger! Don’t get me wrong hindi naman anorexic ang
hitsura, my high school seniors’ ball partner is JUST in grrrrreat
shape! Ako din … GGRRRRR!… in 8 shapes!
Sige kumakanta naman ang mga lolo
at lola at this point… lip-synch lang kasi nag pre-recording sila (…may
ghost singers..woooooooh)
Kami sa baba? May steamed cake,
sponge cake, pei pa koa (lozenges), salabat, candy, yosi, kwento pa uli…,
puna pa uli… at mga anak na kasama na nanonood ng isisiwalat ng mga
ama’t ina nila… heto daw ang ilan sa mga dialogue ng mga
“nakpanggigigil” na mga anak……”mommy, sasayaw ka? BAKEEEEET!…” ma, ‘yan
ang isusuot mo? Lalabas ka ng ganyan?!!!…” …”mommy, don’t remove your
shawl! Nakakahiya!…” O, ‘di ba? Nakakagigigil na mga bata talaga! =)
O, heto na lumabas na ang mga lolo
at lola… mga ninang at ninong na ng mga batch 80…. Whew! Kahit mataas na
ang hingal factor ng mga saway hataw ang mga kapatid! Oishi! Swim!
Robocop! Langaw! Taxi!…. sige! Now the 4 duets… may nagsuot ng sapatos
for the night para ma-practice at ng di matalapid mamaya… may isa naman
di pa suot ng gown nagpapaalalay na at ng mapractice paano magpaalalay
pababa at paakyat ng ng stage. Sus! Ining, may hawakan na ngang nilagay,
bakal pa! Ang gagaling!
O, boys na… amante: rwibers
belong….ramboooooooooool!, molano: eagles belong…..plaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay…mayuga:
I’ve got to be… preeeeeeee……. Taba (that’s me!): GONna pined my co’ner
…. op da skaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay…. SWABE!!! … tuloy pa…
“Eybriting has It’s sison… eybriting has It’s taym”… …Hanggang sa
ending….…… “GONna pined my co’ner op da skaaaAaAAaaaAaaaaa… aHAaaAaaaAA…
AY! Di nagtugma ang keys! Nagsarilinan ng tiklado ang mga bugoy! ULIT!….
amante: rwibers…, molano: eagles…. mayuga: ayb gat tu bi…. Taba (that’s
me, again!): GONna pined my co’ner …. op da
skaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay…. And with the loving motivation of the
batchmates na nagchee-cheer sa baba… natapos din…. Hhmmmm nahiya….
THEN PIPPIN…. Amante: “tingk
abawt the sun, piffin!…” jojo manalad: “deys ar teym and nayts da seym”…
etc etc etc…. and the chuwariwaps… kami uli yon! … tingk abawt yor layp….
Tingk abawt yor layp… yor layp… that’s so clows at hand… with the (kilikili)
power and the glory are there at your command…. Pippin… tingk about the
sunnnnnnnnnnnnnnn…. At natapos!…….pati blocking on stage! Very good!
Pahinga na…. Hep-hep-hep… emcees,
run through… eh, running away na ako… nasa lobby na at makikisakay kay
hans pauwi… linchak! Sino ba nagimbento ng celphone? Di ko na nga
napansin ang tawag sa akin, eh kasama ko tinawagan… BALIK!… o s’ya eh,
deh sige na nga… pagupo ko… okay start ang voice over…. feel ko na, with
bravura at modulation na ang basa ko dahil voice over…. “Live! From the
fiesta pavilion of the Manila hotel…welcome to the….” … “Sandali lang po”
sabi assistant director …. “Read through lang ppo tayo”… o, loko!
Nagbibida kasi… sige basa nalang muna… blah blah blah….. at blah blah
blah uli… natapos 1 :30…
Uwi bilis! Pahinga ng kaunti… ligo
bihis… dumating ako mga 6 na start na ng mass… blah-blah-blah… sa tech
booth ako… seeing people coming in… ang magkapatid na roa with hubbies,
si Segundo Matias looking good pero shy pa makihalubilo… parang noong
high school din… ang magkapatid na roa, Yvette and jane with their
hubbies… ang waray onse gang in 2 tables, igme, flip, rene, entong,
nelson, onald, patro, rodel, sino ‘yong may ayos ang korte ng bigote at
balbas? ‘yon pala si Philip ner na di ko nabati man lang at di ko ganap
na kilala… si butch, arman, ike martinez!… sa mga di naalala, pasensya
na at magkikita pa naman tayo in one of the coming Friday nights… the
next batch sila zorayda at ang anak na magkaterno ang peach color ng
gowns, si grace in aqua…
Heto maganda,
sermon na… nagsimula si padre lito, magbasa ba naman ng mga email! Buko
tuloy ang mga kabulastugan ko… I really felt the personal touch dahil
maluha-luha pa ako noong nabanggit na si kiko lao lang ang nasa
ordination nya… dangan naman kasi di pinaalam na nagpari…eh, di nagitla
pa kami ng malaman namin… naibulalas din ang hitsura noong costume
naming noong second year na lawit ang tiyan ko… sabagay kailan ba naman
hindi nakalawit ang … Tiyan ko!… =))
Sorry, padre,
pero di ko napigilang gumala ang tingin… actually, pati paa ko. Nakita
ko sa registration area sila chua, si ultog kasabay si oblak (jun v.) si
andy alviz (akala ko tuluyan na akong di sinagot sa text for 3 months
now), pong tomeldan na alam ko ang mukha, pero kinailangan kong hilahin
ang name tag at nagbida pa..”pare, tomeldan. Ako yung nangongopya sa yo
noon! Huh! Nangongopya?! Eh, paano ka pumasa? Ako pa naisipan mong
kopyahan! =P
Balik ako sa
loob… Aba si padre, may sermon pa! Ginanahan. Eh, di ba naman pumayag
ang kumpareng tato ko kung di sya ang main celebrant. Heto pa, may
sumbong pa si martinez na ang first reading eh, late nang dumating…
binasa pa ang prayers para kay ping! Hmmm ang mga di nga naman nakikinig
na pang-gulo… sya pang kumakain ng eksena…. Ooops! Iniwan na nya ako at
mag o-offertory na daw….. sige! Galingan mo ang pagpapamisa…
Para sa akin
ang highlight ng misa, eh nangyari sa communion… daming nangumunyon!
Syempre pa, magagara ang bihis. Mga nak-spooting, baga! Sa dulo ako…
noong ako na… naubusan na yata ako. Dumampot nalang doon sa kabilang
sisidlan noong isang pari sabay harap sa akin… “Body of Christ…:”
napabulong nalang, at NAKANGISI SI PADRE … parang ang gusting sabihin
sa akin, eh,….”ooooooooooohws?!!!…” damputin ko na nga ang ostiya at
baka bawiin pa, eh! Hanggang natapos na ang lahat at nagbendisyon na
ang mga kaparian…
Nagbihis na
ako sa likod ng barong… naku! Para nang ayaw ko nanang paltan ang maong
ko. Kaso mo, tatayo ako sa entablado mamaya… o sya, 2 oras ng
pagpapanggap na desente lang naman… nangati ako sa magarang barong…
sige lang for the love….
Heto nah!
IT’S SHOW TIME FOLKS! Pinaupo na ako ni director sa tech booth for the
voice over chores… “All rise for the parade of colors”…. Aba may mga
babae na sa parade of colors! “Please remain standing and join in
singing of the Philippine National Anthem! …”bayang magiliw… ang mamatay
ng dahil sa ‘yo”… “be seated… to welcome all of us is the…… atty. Jose
Sison!” ang tinamaan ng magaling!… nag serve ng dinner habang
nagsasalita ang matanda!… sige parin…. Mahaba din ang sinabi… nakapag-soup
na nga ang mga tao… then si father funelas ang regent…. Prayer over the
meals… napaka-innovative… “in the name… bless us o Lord…. Amen!....
grabe ang preparation nya para doon! bago ko pa na sabing …”dinner is
served. Bon apetit! Eh, ang dami nang kumakain… takbo ako sa tables…
inampon ako nila chie… hanap ng waiter, sabay bigay ng stub…. Pagdating
ng food, lumapit si director…. “EMCEES, BACKSTAGE PLEASE!…” inaaaaay!
Goodbye food!!!! =(
“… and now,
LIVE! From the Fiesta Pavillion of the Manila Hotel, WELCOME to the UST
High School Alumni Homecoming 2005!!!…. woooooooo!…. clap clap clap!…
wheeeeee!… yeheeeeey! Sigawan na… and intro na ng dance number ng mga
golden jubilarians…. Hiyawan nanaman!!!!… enjoy naman ang mga matatanda
sa performance nila… magkabalibaligtad man ang mga steps at kung saan
saan nagpupunta to wait for their turn. AT bihis na bihis sila….
… tuloy ang
programa… nagpakilanlanan kaming mga emcee sa tao… bolahan…roll call ng
batches… then award ng most senior attending batch… ang the winner was a
lady from batch 1940! Kahit mabagal nang naglakad excited lahat to see
who she was… imagine sabi nga ni gina, graduate na sya long before the
war pa! Mga thomasites pa kaya ang teacer nya noon! … on the side, may
balita pa palang nagtampo ang aleng ito last year dahil ni hindi man
lamang yata na acknowledge ang presence in the affair… ngayon, may
trophy pa sya
… moving on…
may mga raffle, bumaba ako sa tables at naginterview ng mga nakaupo
doon… nabanggit ko nga na there is no coincidence, ang mga natapatan ko,
table ng emerald jubilarians kaya naka-green daw sila. Nalapitan ko din
ang most senior alumna na awarded earlier, kasi di ko nakita dahil nasa-backstage
ako… raffle uli…. Then dance ng batch 80 na…tugtog palang hiyawan na ang
mga tao… in fairness to the dancers (ina, zorayda, gina, jo, grace, nina,
fides, noel and Anthony) may mga akala nila dati na mahirap magkasabay
sabay ang mga movements ng mga kamay…. Wala! Lusot lahat! Bawat palit ng
tugtog react ang people. And walang movement from the audience. All eyes
tutok to watch…
…spiels,
awards, speeches, raffle pa uli… song number ng batch 55, na natuwa
naman ang mga nanonood kasi they were having fun on stage too! Pero
everything stood still, as in quiet and listening while our duets were
on stage taking turns with their numbers. Walang halong biro, we are not
pros. Marami nga sa mga kasali, as it was termed here, mga closet
singers ng batch kasi di naman naglabasan ang mga ito noon! Anthony and
vita pumped up the start with their summernights ang grease… nagpakilig
sila nonoy and chie ng theme ng Le Mis… nagpakaromantic naman ang all I
ask of you nila rene and ibe… at nagpatindig ng mga hair roots na sina
lynn at happy sa version nila ng “I still believe” ba ‘yon ng miss
Saigon… nakinig at ninamnam ng mga manonood! Tahimik sila, walang
maligalig! Nagalala nga ako at bka may nanigas na sa kanila. Pasensya
nalang daw at grabe pa ang nerbyos ng mga tinamaang ng magagaling!…
spiels, raffle, ekekekekekek pa uli…
…then teng
received the certificate of the silver jubilarians, jack uy for the
medals of batch 55… then the tribute to the teachers, may slide show na
may tugtog ng “in my life ni bette midler”… sigawan ng naglabasan ang
mga picture nila platon, tagaro, gongora, constantino, manapat, casas,
and the others… then tuloy na sa cadle ceremony for a senti-moment
habang kasama ang mga katoto/ ka-batch habang kinakanta ang “that’s what
friends are for”… nag thank you thank you na ang mga emcee on stage…gina
made a spiel explaining that the finale is our choice because they were
our winning songs in inter-school competitions during our time… AND NOW…
…finale
number ng batch 80… nasa dance floor na kami nila teng, noel, rene, and
I to start the corner of the sky. Acapella! Then move on stage… kanta na
with the minus one… then pippin… akyat ang chuwariwaps……. “thinks about
your life!!!!!!” confetti, sigaw, lundag, palakpak… AT tugtog na ang
“bonggahan ni sampaguita to start the dancing! I had 2 dances only that
night. Si lady Hernandez ang una then later si ina. May ilang nagsayawan,
pero mas minatamis ng mga tao na mag-picturan… ultimo sa mga sulok lang
basta may bakas ng mga ayos ng ballroom, ayon na!
naglutanagan
na ang mga naggagandahan at makikisig na mga nilalang… nakita ko na sila
frances, pinky, yeng, sirikit, bebete, tess, amon, ms. francia, benjie,
joy, henry, mel, si reggie ablaza na mga ilang practice na eh,
nakasuporta sa groupo. Si ana, jeff, rico, beto, wijohn, Norman, jobet,
mindanao, guia s., ressie, Raquel symaco na kinulit ko sa text, kumaway
din … leandro lo, joel Navarro, Ronnie cabanez…
at ang mga
nagluwasan pa at nakisalo from the provinces and abroad, jun quintos,
kambal na bootwell at bethoven. Bernie, na simula na ng program eh,
kasasakay palang ng taxi from the airport para lang makahabol! Luisa
castro na alam ko eh, has to attend to her child at ‘di na darating,
nandoon din! Si Titoy na noon ko lang nakita, mahiyain pala?! (joke!) si
Miriam na dumating lang noong isang gabi from tel aviv, exotic! Ang
Homecoming king and queen Gerald and ping. Si Tweet na di ko agad
nakilala dahil nakasalamin at mahaba na ang buhok, ganda! Si Rey de
Guzman was looking good, too. Si Onald , bakit mo ako hinahabol sa sukat?
At ang marami pang iba na sa picture ko nalang nakita… sila jake, allan,
tan, ray botardo, grace… si jerry simon kadarating from germany
nagdinner lang daw, bakit di nagreort yan, ha, at umalis agad? gusto
pang masaktan eh, humanda ka pagnagkita tayo…
haaaaaaaaaay…………
di pa tapos! May post homecoming party sa isang “bar” sa likod ng
quirino grandstand… sa pidot ba ‘yon? Di ko nakita ang signage kasi high
na ako sa saya, gutom, at beer na kabikabila…
…may mga
sisters and brothers pa ako nakita na di ko na nakuha ang mga names pero
am so glad that they joined and really streeeeetched the fun until about
3:30 in the morning… si garena! Nakita ko na din uli sa wakes! may ilan
pa ako nabigyan ng pangalan aside from remembering the faces… si rey
rustia at si ding diaz whose name I associated with another diaz na
ka-batch din natin, si alfredo, pero di dumating. May mga gorgeous
better halves na naki-sali din, ang mga nalansi nila tato at noel. bad
nga ni, nonoy pinatulog na misis nya noong lumabas kami! =)
I know, I
have missed dozens of names pa. Paumanhin please…I will review the
recording of the whole affair as soon as I get a copy….
CHAPTER 3
PAGBABALIK TANAW
Hehehe… akala
nyo ‘yon na ‘yon…HINDI PO! Nagputa pa kami sa highschool kahapon for the
“silver trek” ng batch 80… “25 in 05”…. Heto ay ayon ang sa mga
nasaksihan ko dahil late na ako at maaga pa tumiwalag at ako ang
nagaalaga ng mga bubwit ko ngyon…
Nagmisa ng
11. A student was the lector. Tato did the reading… nahabang nagbabasa
parang nagmo-morph sa paningin ko how he looked loke 25 years ago…
natawa ako… it was something with his eyes then… hehehe… tapos noong
giving peace naman, dahil nasa kabilang side, ang ninang happy eh,
nagtaas ng dalawang kamay at naka peace sign na kumakaway sa amin…
parang ngarag na flower power advocate… at si tato uli nakapikit pang
hawak ang dibdib noong kordero ng D’yos, pina tignan ko kay leah
military, eh, natawa din… mukhang malalim ang hinihinging patawad…
… at ng
matapos pinaalalahanan ng regent na tignan daw kami noong mga imbitadong
estudiantes at magiging kami daw sila in 25 years! Ayon nagngiwiian ang
ga bat at para bagang gusting ibulalas… “huwag naman po!” =) sabay
bumigkas itong si boyet… “ipakita nyo nga ang mga wallet nyo…” “eh, kami
na ang sumagot… “huwag na at baka maluha pa ang mga iyan…” =) at sa
ending eh, nagpahiwatig ang pari na kailangan daw talaga ng school ang
alumni bilang mga huwaran para sa mga bata, at speaker sa mga career
orientation at sawa na daw sa kanya… “sus, padre…. Tinatamad ka nalang
‘ka mo! Gusto mong may speakers ka na gratis…” at sumundot pa ng “ of
course, with financial assistance…” ayan boyet! Narinig ang sinabi mong
ipakita ang wallet…
On the way
down, aba, di makaakyat ang mag bata sa hagdan! Bakit ‘ka n’yo? Eh, ang
magagaling na ninong at ninang ng batch 80 (mga 35 lang naman kami plus
isang anak ko…) sumalampak sa hagdanan ng pababa from the 3rd
floor, syempre pa, ang papayat naming lahat at napuno ang mga baitang ng
hagdan… nagpapicture gamit ang ‘sang libo at ‘sang lakang kamera! Iba’t
ibang kulay, hugis at pangalan… heto pa ‘ka mo, nang hila ng 2
estudyante to take the pictures para lahat kasali!
Bumaba na
kami for lunch na catered ng ate ni rene… dami food! Sumali din ang mga
teachers and administrators… naku! Maingay tayo? Eh, ang mga teachers
natin eh, mga bilyaka, din! Iba din talaga at na-excite kasi. Takbuhan
kami ng takbuhan kung nasaan may itututok na camera… at mga 50 yatang
camera ‘yon! Eh, 2 lang naman saw ang may film… ‘yong mga digital, wala
nang memory!
Bumalik kami
sa pinagmisahan at nanghiram ng player at tv at projector. Pinanood
namain ang unedited recording ng program na pinagawa ni happy. Then
boyet played 2 presentations showcasing the practices and other stuffs
and the other one he and ina made documenting memories in pictures ng
batch 55 and 80…
We were done
at about 3:30… nagplano to go to a videoke place, somewhere in makati…
ayon… kinailangan ko nang maglaho at ang mga bata ay darating na sa
bahay, eh, lumayas ang magagaling na maid… dakilang ama ako ngayon… pero
may mga balita paring natanggap mula sa mga nagpuntahan… walang patid na
saya at tawanan parin ang naganap… kahit tuloy mga 20 kilometers away
ako eh, kumakanta at nagtatawa narin ako habang nagluluto at naghahanda
ng labadang ibababad… nag-uwian daw sila 7 pm na kasi pasukan na bukas
at haharapin ang katotohanan ng kabuhayan…
Sa ganang
akin, di man tayo magkita muli sa malapit na kinabukasan, baon parin ang
walang patid na saya, umaapaw na ligaya, nakagigimbal na halakhak,
alaska, at papuri. Dala natin sa alaala ang lahat na ito para ihatid
tayong magsama-sama uli para sa golden jubilee natin… walang biro naluha
ako ng sinulat ko ang kainis sa last line na ‘yon! =)
HINDI! Hindi
kailangang hintayin ang 2030! May mga birthday, manganganak, binyag,
kasal (uli?), pasko, luluwas from the provinces, bibisita from abroad,
lipat bahay, at iba pang mga okasyon na pwedeng gawin… kami nga nila
ompong, entong, at nelson naginuman noong nagkudeta sa oakwood!
Celebrate
life! Celebrate everything! Even the smallest events that would make you
give a little smile… okay lang ang laughlines, crow feet at kabag na
dala ng kakatawa kaysa sa mga linya sa noo dahil sa kakaaborido…
Salamat sa
tiyaga ninyo at nakaabot ang pagbabasa ninyo sa puntong ito….
Hanggang sa
susunod na mga gimmik natin…PEACE, LOVE, and JOY to everyone!